napalaya na si erap.

matapos siyang makulong ng mahigit sa anim na taon, napalaya na si erap.
nalungkot ako. hindi naman dahil sa anti-erap ako at pro-gma. dahil parang sa isang pirma lang, kinalimutan na ng taong-bayan kung paano niya 'ninakawan' ang 'kaban ng bayan'. hindi ko rin alam kung kanino ako dapat maniwala. naasar lang ako dahil naantala ang pagpapalabas ng paborito kong palabas, ang kokey, dahil sa talumpati ni erap na halos humaba ng 10 minuto siguro. nakakaasar din kung gaano ka paulit-ulit ang mga news break at kung ano-ano pang balita na ang title ay 'paglaya ni erap'. di ko rin naman masisisi ang media dahil siya nga naman ang dating pangulo ng bansa. napagtanto ko din na ganoon pala kagulo ang pulitika na balak ko sanang pasukin sa hinaharap. joke lang. sa totoo lang, gusto ko maging isang militar. anyway, kailang kaya magkakaroon ng pagbabago at pagkakaisa ang ating bansa? maabutan pa kaya natin ang pagdating ng araw na tayo ay ISANG PILIPINAS na? hay, at kelan pa ako nakialam sa mga bagay-bagay na yan tulad nito? hala. baka ako ay maging pulitika na nga. ☺

Labels: